Thursday, October 9, 2008

LIWANAG



ang larawan na ito ang isa sa pinakapaborito ko
na aking kinuhaan gamit ang aking celphone.
ito ay kinunan ko ilang buwan ng nakalilipas.


Natanaw ko ang magandang baybayin na ito
mula sa mataas na palapag ng Philam life towers
sa Lungsod ng Makati city.


Habang ako ay nasa pantry ng opisina ng aking kapatid,
minamasdan ko ang mga nagtataasang mga gusali na nakapalibot sa paligid.
sa taas nito aking napansin ang tila


mga nakaumbok na waring mga unan na nasa himpapawid.

ito ang nakatawag ng aking pansin.

mula noon ay nakahiligan ko na ang pagkuha

sa ganitong klaseng mga litrato.





Kung kaya't tuwing umaga, habang ako ay papasok sa

eskwela, habang naglalakad sa kahabaan ng aming kalye,









napapatingin ako sa kalangitan, naaaninag ko ang
pagpapalitan ng LIWANAG ng araw at ng buwan.