Friday, December 25, 2009

LP--Ang Pinakamahalagang Regalo


Panginoon,

Maraming Salamat po sa lahat ng mga biyaya na ibinibigay nio sa amin sa araw-araw, salamat po sa proteksyon at sa pag gabay sa aming buhay patungo sa matuwid na daan. Higit sa lahat, salamat po kay Hesu- Kristo.

Wala ng regalong hihigit pa sa pagdating ni Hesu-Kristo sa ating buhay. Dahil sa Iyong pagmamahal sa aming makakasalanan ay ibinigay niyo ang bugtong na anak upang kami ay mailigtas sa aming mga kasalanan.

si Hesus ay napako sa krus ng kalbaryo, namatay siya sa kasalanang hindi niya ginawa. Ngunit dahil sa iyong pagmamahal sa amin, inako niya ang kasalanan ng iba.

at ngayon, bilang kapalit ng regalong handog niyo sa amin, ay dapat namin tanggapin si Hesus sa aming buhay bilang Panginoong tagapagligtas. Sa lahat ng oras, sa bawat bagay na aming gagawin ito ay handog namin sakanya, tunay na katapatan at pagtitiwala sa lahat ng bagay. :)

Marami pong salamat, mahal na mahal po namin kayo Panginoon,

Ito ang aming panalangin.
sa pangalan ni Hesus.
Amen.

ang pagtanggap kay Jesus ay ang regalong habang buhay ko isasapuso. :) ito ang pinakamahalagang regalong nangyari sa aking buhay. :)

kayo, natanggap niyo na ba ang regalo?:)

Maligayang Pasko!:)



Tuesday, December 22, 2009

PROUDLY FILIPINO!


at sa wakas, rehistradong botante na ako!

akala ko huli na ang lahat, buti na lang at naextend pa ang pagparehistro.
first time ko boboto, first time din ako nagparehistro, andaming papel na kailangan fill-up-an, ngunit mabilis naman ang proseso, sa loob ng 40minutes, kung wala masyadong nakapila ay rehistradong botante ka na :)

narealize ko, ngayong eleksyon, maraming kabataan ang mga bagong rehistro pa lamang at isa na ako doon, at isa pa automated na din ang pagboto, naisip ko maaaring maraming pagbabago ang magaganap sa darating na eleksyon, sa pagbilang ng mga boto at lalo na sa magiging resulta nito.

tama nga na ang mga kabataan ang kinabukasan ng bayan. :)

vote wisely!:) God Bless the Philippines!:)

Monday, December 21, 2009

Ang Pambansang Chocolate--LALA


Lala.

sa una akala ko chichiria siya, ung gawa sa isda na sinasawsaw sa suka,
hindi pala, tatak din pala to ng isang chokolate.

isang chokolateng mukhang waffle na nakalagay sa pulang wrapper.

una kong makita ito ay 1styear high school pa lamang ako, anim na taon ng nakakaraan, sa dating kong eskwela. Andaming estudyante nakikita ko kumakain noon, pero pag tinitignan ko naman sa canteen wala naman silang tinda na LALA. Nais ko rin sana bumili, ngunit..

saan kaya nila to binibili? Parang isang mahiwagang chokolate na bigla na lamang lumilitaw sa kamay ng mga estudyante. Mayroon akong mga kaklase na nagkaroon nito,at nang ipatikim nila sakin ay: wooow! ngayon lamang ako nakakain nito! hindi siya tulad ng mga chokolateng nabibili sa mga supermarket, para kasi siyang pastillas pero gawa sa chokolate. Ngunit nagtataka pa din ako saan ito nagmumula..

Isang araw, napag-alaman ko galing pala ito sa tinatawag na "Magic Butas" tila pati ang pinangagalingan ay mahiwaga din.

Magic Butas ang tawag ng mga estudyante. Sa aming eskwela kasi ay mayroong dalawang gate sa magkabilang dulo, sa isang gate ay makikita ang mga taong naglalabas masok sa loob at labas ng paaralan, mga guard na nagbabantay, at mga school bus na nagaabang sa labas ng mga estudyanteng magsisiuwian na.

sa kabilang banda, ang isang gate kahit nakasara tulad ng isa ay napupuno din ng mga estudyante, tuwing nagpupunta sila sa gate na yon ay wala naman silang dala, ngunit sa kanilang pag-alis ay meron na itong mga bitbit na nagmumula sa nakasarang pintuan, isa na dito ang LALA.
Ang gate pala na yon ay may butas sa gilid na tanging kamay lang at ang mga maliliit na paninda ang kasya sa butas. kaya pala MAGIC BUTAS, isang mahiwagang kamay na nagmumula sa butas ang nagaabot ng mga tsokolate at sa halagang 5PhP ay meron ka na din nito.

Minsan ay nasubukan ko na din bumili doon at natuklasan ko na marami pa silang tinda,iba't iba.
Kung kaya't mula noon ay madalas na din ako nagpupunta sa Magic Butas,at minsan ay nakikipagunahan pa ako sa pagbili, mabilis kasi yon maubos. at bukod sa LALA ay meron din silang invisible ink, na isa din sa madalas bilhin ng mga estudyante.

Ngunit,paglipas ng ilang taon ay naglaho din ang Magic Butas, kung kaya't pati ang LALA ay naglaho na din, sa ibang mga tindahan ay hindi ko talaga ito nakikita, doon lamang, at kasama ng Magic Butas nawala na din ito.

Makalipas ang anim na taon, may isang tindahan malapit sa amin ang nagbenta nito. Lubos ang galak na aking naramdaman, hindi ko kasi inaasahan na sa pagpunta ko sa tindahan na yon ang paborito kong chokolate ay muli kong makikita, kung kayat binili ko halos lahat ng LALA doon, baka kasi yun na naman ang huling pagkakataon. Mas lalo akong natuwa nang sa mga sumunod na araw na aking pagbalik sa tindahan na yon ay hindi na nauubusan ng LALA at sa katunayan pa nga ay nagkaroon na din sila ng ube flavor.

sa paulit ulit kong pagbili nito ay nanumbalik ang aking alaala sa panahong ako ay highschool pa lamang, isa sa mga alaalang hindi ko makakalimutan na kahit simpleng bagay lamang ito ay minsan nagawa na din akong mapangiti. :)

Thursday, December 10, 2009

LP-Hiling ;)

Magandang Gabi :) ako nga pala si Bev :) sa totoo lamang ay matagal ko ng alam ang tungkol sa Litratong Pinoy, mga isang taon ng nakakaraan :) iyon ay sa dahil sa kaibigan ng aking kapatid na lumalahok din sa LP. nakikita ko lagi ang page ng LP at natutuwa ako sa mga post :) yun nga lamang ay hindi pa ako makasali sali dahil sa sobrang daming gawain sa eskwela :)

Ngaun, matapos ang isang taon, sa wakas! makakasali na din ako ;)

at ito nga pala ang aking lahok.. :)
"HILING..."

'we wish you a merry christmas, we wish you a merry christmas, we wish you a merry christmas and a happy new year' 'all i want for christmas... is you...' 'all i want for christmas is my two front teeth, my two front teeth' 'sana ngayong pasko, ay maalala mo pa din ako'

ilan lamang ang mga ito sa mga awiting naririnig natin tuwing pasko, at kaugnay dito ang paghiling ng mga tao sa kanilang mga ninanais.

madalas sa mga kumiskislap na bituin na bumabagsak mula sa malawak na kalangitan humihiling ang mga tao, o ang tinatawag na 'falling star' o bulalakaw. Maaari lamang humiling ang isang tao kung nakita niya ang pagbagsak nito mula sa kalangitan,

Ngunit, tuwing pasko,tulad ng bulalakaw, ang Bituin na nasa ibabaw ng ating mga Christmas tree, ay nagsisilbing bulalakaw sa bawat tahanan ng mga tao. Ngunit ang kinaibahan nito, ito ay nananatili sa tahanan ng bawat pamilya, simbolo, na ang bawat tao ay mayroong pagkakataong humiling ng kanilang hinahangad ngaung Pasko..





at hindi lamang ito simbolo ng kahilingan, dapat rin nating tandaan na ito rin ay simbolo ng kaarawan ng taong siyang tutugon sa ating mga hinihiling, Hesus :)

Maligayang Pasko!! :)

Litratong Pinoy